Ang Buhatan River Cruise sa Sorsogon City ay binuksan noong October 2015, ito ay isang eco-adventure kung saan maaaring sumakay sa floating cabana sa kahabaan ng Buhatan River sa Barangay Buhatan, lungsod ng Sorsogon.

Masisilayan ng mga sasakay dito ang nakapalibot na tanawin ng mga naglalakihang puno ng bakawan. Bukod sa river cruise ay mayroon ding kayaking, at tiyak na makakapagrelax ang mga papasyal dahil mapapakinggan din dito ang live acoustic music. Naging malaking tulong din sa pagpapalakas ng turismo sa lugar ang mga aktibidad dito dahil nakatulong ito sa mga mamamayan upang magkaroon ng trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *