Mahigit 300 dating miyembro ng NPA mula sa hanay ng mga katutubong Mangyan sa Occidental Mindoro ang tumanggap ng pinansyal na ayuda sa ilalim ng reintegration at peace-building program ng pamahalaan.
Isinagawa ang distribusyon noong Mayo 5 sa San Jose, Occidental Mindoro sa pamamagitan ng “Peace and Development Buong Bansa Mapayapa” (PDBBM) program katuwang ang pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Eduardo B. Gadiano.

Ayon kay Gadiano, patuloy ang suporta ng pamahalaan sa mga dating rebelde upang makapagsimulang muli at mamuhay nang mapayapa kasama ang kanilang pamilya. Ang tulong ay ipinagkaloob sa ilalim ng PAMANA program ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).
Pinangunahan naman ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang beripikasyon at pamamahagi ng ayuda katuwang ang DSWD at Philippine Army.
Source: PIA MIMAROPA