Ipinagdiwang ng Calamba ang ika-25 anibersaryo ng pagiging lungsod noong Abril 20, sa temang “Rooted in Heritage, Rising in Progress.”

Pinangunahan nina Roseller Rizal, Angelito Lazaro Jr., at Charisse Anne Hernandez Alcantara ang programa, kung saan binigyang-pugay ang mga naging opisyal ng lungsod mula 1901 hanggang sa kasalukuyan.

Ayon sa alkalde, mahalagang kilalanin ang ambag ng mga naunang lider sa pag-unlad ng lungsod, na nagbukas ng mas maraming oportunidad sa ekonomiya, turismo, edukasyon, at serbisyong panlipunan.

Dumalo rin si Sol Aragones at nagpahayag ng suporta sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.

Ang cityhood ng Calamba ay pinagtibay sa bisa ng Republic Act No. 9024 noong 2001, matapos aprubahan ng mayorya ng mga botante sa plebisito.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *