Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA ang regionwide registration para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula Abril 13 hanggang 30 upang matukoy ang mga karapat-dapat na benepisyaryo.

Ayon sa ahensya, umabot na sa 17,535 indibidwal ang na-profile at na-validate hanggang Abril 17, kung saan nanguna ang Palawan, sinundan ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, at Marinduque.
Isinasagawa ang pagpaparehistro sa pamamagitan ng community assemblies at house-to-house validation upang matiyak na ang mga mahihirap at nasa malalayong lugar ang mabibigyan ng tulong. Nanawagan din ang DSWD sa mga LGU at komunidad na makiisa para sa maayos at inklusibong proseso ng rehistrasyon.
Source: PIA MIMAROPA