Umabot sa 1,225 ang nahuling lumabag sa iba’t ibang ordinansa sa CALABARZON noong Abril 6, ayon sa Police Regional Office 4A (PRO-4A), sa unang araw ng “Safer Cities” initiative.

Sa bilang na ito, 469 ay menor de edad na lumabag sa curfew. Nasa 159 ang pinagmulta, 30 ang kinasuhan, habang ang iba ay binigyan ng babala.

Kabilang sa mga tinutukan ng operasyon ang curfew violations, pag-inom at paninigarilyo sa publiko, at videoke lampas sa itinakdang oras.

Ayon kay PRO-4A Director Brig. Gen. Hansel Marantan, mahalaga ang pagtutulungan ng pulisya, LGUs, at publiko upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa komunidad.

Source: Inquirer.Net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *