Ang Bigaho Ecopark ay matatagpuan sa Barangay Talisay, Prieto Diaz, Sorsogon. Bago makarating sa ecopark, ay tatawid muna sa isang 750-meter na haba ng bamboo bridge na pinalilibutan ng mga mangroves.

Nag-aalok din ang Bigaho Ecopark ng overnight stay para mas maenjoy ng mga bisita ang lugar. Bukod dito, maaari din umorder at matikman ang iba’t ibang   food delicacy.

Makakalanghap ka ng sariwang hangin at masasaksihan ang calming lagoon, mabatong kweba, at ang magandang tanawin mula sa  Mayon Volcano at Albay Gulf habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *