Pangungunahan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial launching ng Megawide Precast Technology Plant sa Taytay, Rizal.

Ang pasilidad, na nasa ilalim ng operasyon ng Megawide Corporation, ay mangunguna sa pagbuo ng mga precast housing components para sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (Expanded 4PH).

Sa pamamagitan ng precast technology, inaasahang mapapabilis ang konstruksyon ng mga dekalidad at abot-kayang pabahay sa ilalim ng programa.

Pangungunahan din ng Pangulo ang ceremonial turnover ng housing assistance para sa mga benepisyaryo ng 4PH, bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Source: PIA CALABARZON / https://www.facebook.com/share/p/1SbjenisDm/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *