Isang makulay at masining ang inihahandog ng ‘Likhang Lahi’ exhibit na ginaganap mula Oktubre 13 hanggang Nobyembre 17 sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall sa Lucena City.

Ito ay isang pagdiriwang ng sining, kultura, at pagkakakilanlan ng mga mamamayan ng Quezon.

Sa bawat likhang kamay at pintang obra, naipapahayag ng mga lokal na artist ang kanilang pagmamalasakit at pagmamahal sa sariling kultura.

Hindi lamang ito isang eksibisyon, kundi isang paanyaya sa bawat Quezonian na yakapin, ipagmalaki, at suportahan ang sining na gawang Pilipino at patunay ito na ang lalawigan ng Quszon ay tahanan ng mga talentong tunay na maipagmamalaki sa buong bansa.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *