Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region nitong Setyembre 25, 2025, sa pangangasiwa ni Regional Director Norman S. Laurio, sa mga locally stranded individuals (LSIs) sa Pilar Port, Sorsogon bunsod ng patuloy na epekto ng Severe Tropical Storm #OpongPH.

Batay sa ulat, nasa kabuuang 103 pasahero ang naitala na pansamantalang na-stranded sa pantalan. Bilang tugon, nakipag-ugnayan ang DSWD Bicol sa lokal na pamahalaan at tumulong sa pag-aasikaso ng mga pasahero, partikular na sa mga LSIs. Kasabay nito, nakilahok rin ang ahensya sa aktibidad ng pagre-repack ng bigas mula sa PSWDO Sorsogon bilang paghahanda sa tuloy-tuloy na pamimigay ng ayuda sa mga apektadong komunidad.

Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pinagtitibay ng pamahalaan ang agarang pagtugon upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Pilipino. Pinagtibay rin ito ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na direktiba sa mga regional offices upang masiguro ang maagap na aksyon.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *