Isang makasaysayang aktibidad ang naganap nito lamang ika-16 ng Setyembre, 2025 nang isagawa ang Grand Opening ng bagong Annex Building sa Mary Mediatrix Medical Center sa lalawigan ng Batangas.

Sa naturang aktibidad, binigyang-diin ang kahalagahan ng bagong gusali bilang hindi lamang estruktura, kundi isang tahanan ng paggaling at malasakit.

Mula sa pagiging kaagapay sa mga sakuna, hanggang sa pagiging pangunahing referral hospital sa lalawigan, ipinamalas ng Mediatrix ang tunay na diwa ng serbisyo publiko.

Sa bagong Annex Building, mas pinalawak ang access ng mga Batangueño sa specialized medical services gaya ng cardiac care, neurology, surgery, at critical care.

Ang pagbubukas ng Annex Building ay simbolo ng pag-asa, pag-unlad, at pagkakaisa at isa itong paalala na sa tulong-tulong na pagkilos, posible ang mas malusog at mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat ng Batangueño.

Source: Batangas Provincial Health Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *