Nakiisa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol sa programang “Handog ng Pangulo – Serbisyong Sapat Para sa Lahat” ngayong Setyembre 13 sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Masbate at Sorsogon kung saan namahagi ito ng mga proyekto na nagkakahalaga ng ₱8.6 milyon upang palakasin ang kabuhayan ng mga mangingisda sa anim na probinsya ng rehiyon.

Inilunsad noong 2024, ang programang Handog ng Pangulo ay nagpapakita ng matibay na pangako ng administrasyong Marcos na maghatid ng makabuluhang pagbabago at pagbutihin ang buhay ng mga Pilipino—lalo na ang mga nasa pinakamahihirap at pinaka-nangangailangang sektor ng lipunan.

Kabilang sa mga naipamahaging tulong ang Bottom Set Gill Net (BSGN), Tuna Handline, Freshwater Gill Net, 22-footer Fiberglass Reinforced Plastic (FRP) boat na may kumpletong accessories at 7.5HP marine engine, 62-footer FRP boat na may Tuna Handline, 12HP at 13HP marine engine, bangus feeds, at 20,000 pirasong sex-reversed tilapia fingerlings.

Layunin ng Handog ng Pangulo na maipadama sa mga mamamayan ang agarang benepisyo ng mga proyekto at serbisyo ng pamahalaan. Bahagi ito ng adbokasiya ng administrasyon na iangat ang kabuhayan ng mga mangingisda, tiyakin ang seguridad sa pagkain, at isulong ang pag-unlad na tunay na mararamdaman hanggang sa malalayong komunidad.

Source: BFAR Bikol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *