Muling nagdiwang ang bayan ng San Mateo sa makulay at masiglang selebrasyon ng 27th Kakanin Festival na ginanap noong September 9, 2025, tampok ang iba’t ibang aktibidad na sumasalamin sa yaman ng kultura at tradisyon ng bayan.
Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang banal na misa sa National Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu. Pagkaraan nito ay isinagawa ang isang maikling programa kung saan nagbigay-pugay at nag-anyaya sa publiko sina Rizal Provincial Vice Governor Pining Gatlabayan, Mayor Omie Rivera, at Vice Mayor Jimmy Roxas upang makiisa sa kasayahan. Dumalo rin ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal Nelson Antonio, Nilo Gomez, Noel Sta. Maria, Grace Diaz, Boy Salen, at Jojo Juta.

Isa sa mga tampok ng festival ang parada ng mga floats na may masining at malikhaing disenyo, sakay ang mga delegasyon mula sa iba’t ibang barangay, mga sponsors, mga opisyal ng pamahalaan, at ang mga Hiyas ng Kakanin kasama ang kanilang konsorte.

Pinaka-inabangan din ng mga manonood ang Street Dance Competition, kung saan nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan ng bayan. Narito ang mga nagwagi
Ayon sa Pamahalaang Bayan, ang Kakanin Festival ay hindi lamang simpleng pagdiriwang ng mga pagkaing kakanin na ipinagmamalaki ng San Mateo, kundi isang pamana ng kasaysayan at kultura na patuloy na pinagyayaman at isinasalin sa mga susunod na henerasyon.
Nagpaabot ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa lahat ng nakibahagi at nakisaya upang maging matagumpay ang 27th Kakanin Festival.
Source: San Mateo Rizal Public Information Office FB Page