Sa ilalim ng direktiba at pamumuno ni Regional Director Norman S. Laurio, at sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan (LGU) ng Guinobatan katuwang ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Armed Forces of the Philippines (AFP), matagumpay na nakapaghatid ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region sa mga pamilyang sumailalim ng pre-emptive evacuation nitong Biyernes, Agosto 22, 2025.
Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ng ahensya ang assessment at validation ng mga evacuees upang matiyak ang maayos na profiling at agarang pagtugon sa kanilang pangangailangan.
Nagbigay rin ng hot meals ang LGU Guinobatan sa mga lumikas, habang naka-deploy na ang Mobile Kitchen ng ahensya upang masiguro ang tuloy-tuloy na serbisyo sa loob ng evacuation center.
Bukod dito, nagbigay din ang DSWD ng technical assistance kaugnay ng Camp Coordination and Camp Management (CCCM) at Protection of Internally Displaced Persons (IDPs) upang mapalakas ang pamamahala at proteksiyon sa mga evacuees.
Bilang bahagi ng kahandaan, tiniyak ng DSWD Bicol ang pagkakaroon ng sapat na Family Food Packs (FFPs) na nakahanda para sa karagdagang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Patuloy ang DSWD Bicol sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan upang mapangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga pamilyang lumikas dahil sa banta ng sakuna.
Source: DSWD Field Office V