Matagumpay na isinagawa ang isang nationwide simultaneous tree planting at coastal clean-up drive upang ipagdiwang ang Philippine Eagles Week na ginanap sa Palawan mula Hunyo 15 hanggang Hunyo 22, 2025.

Pinangunahan ni Charter Governor Edward M. Moises, Ph D. ang programa para suportahan ang pagsisikap ni Kuya Kap Ike Borlaos na matiyak ang reforestation ng nasabing watershed. Nakiisa si SBM Elect Kuya Ernesto Ferrer, Vice Governor Kuya Reynaldo Paredes Cabalonga sa event na nilahukan din ng mga Junior Eagle recruits para sa Local Campus ng PSU sa Narra. Ang Citinickel Mining and Development Corporation at Cutting Edge Builders and Trading Inc. ay nagsilbing sponsor ng kaganapan.

Lubos ang suporta ng mga tauhan ng MENRO mula sa tanggapan ng Narra MENRO EnP Neil Vidal Varcas at ng Barangay Council ng Calategas sa nasabing kaganapan. Aktibong dumalo rin ang Palawan Rescue volunteers upang matiyak ang kaligtasan ng mga kalahok sa nasabing Tree Planting and Cleanup activity.

Ang Palawan New Heroes Region VII ay isang malakas na tagapagtaguyod ng pangangalaga sa kapaligiran at nakatuon ang sarili sa pag-oorganisa ng mga proyekto na tumutulong sa pagsuporta sa pamayanan ng Palawan.

Source: Thunder News Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *