Bilang pagkilala sa kanilang mahabang buhay at ambag sa komunidad, personal na binisita ni Mayor Sonny Perez Collantes ang dalawang sentenaryo ng lungsod, na sina Mrs. Natividad Briones ng Barangay Banjo West at Mrs. Agustina S. Evangelista ng Barangay Bagbag.

Nagbigay si Mayor Collantes ng simpleng regalo at tulong-pinansyal bilang bahagi ng programa ng pamahalaang lungsod para sa kapakanan ng mga senior citizens dahil ang mga matatanda ay simbolo ng katatagan at inspirasyon sa mas nakababatang henerasyon.

Nagpasalamat naman ang mga pamilya sa pagpapakita ng malasakit ng pamahalaan, na patuloy umanong nagbibigay-halaga sa mga senior citizens ng Tanauan.

Ang pagbisita ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng pamahalaang lungsod na kilalanin at parangalan ang mga nakatatandang mamamayan na umabot na sa edad na 100 taon pataas.

Source: Tanauan CGTV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *