Matagumpay na isinagawa ang isang public lecture na ‘Bakawan story” sa museo ng Tabon Caves Complex sa bayan ng Quezon nitong ika-3 ng Mayo 2025.

Ang bantog na si Dr. Jurgenne H. Primavera ang speaker ng naturang talakayan, na nakilala siya bilang Time Magazine’s Heroes of the Environment, trustee ng Pambansang Museu, at nanguna sa mga mangrove friendly aquaculture at reforestation projects.

Dinaluhan ito ng nasa 52 mga environment stakeholders mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga Environment offices, NGOs, mga opisyal sa iba’t ibang barangay.

Tinalakay ni Dr. Primavera ang kahalagahan ng bakawan sa ating mundo, sa pagkain at proteksyong maidudulot nito sa mga sakuna, at halaga sa ecosystem na tahanan din ng maraming isda, shells at iba pa.

Natalakay din ang pagiging fishpond na ng ilang mangrove area sa Barangay Panitian, Quezon, na dapat ay matigil at mapuksa ng CENRO at local na pamahalaan. Dapat anyang magkaisa ang mga ito mula sa barangay level upang maisalba ang mga bakawan sa Palawan.

Layunin ng talakayan na ito na itaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng mga bakawan sa ekolohiya, seguridad mula sa sakuna, at kabuhayan ng mga komunidad. Ito rin ay daan upang hikayatin ang ang publiko na makiisa sa pangangalaga at rehabilitasyon ng lugar para sa mas maunlad na lalawigan.

Source: The Palawan Times

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *