Ito ay pagkaing Chinese-Filipino food na unang hinain noong 1968 nang ipagluto ng Chinese restaurateur na si To Kim Eng na nakabase sa Lipa para sa kanyang mga kaibigang mahilig sa mahjong.
Binuksan nila at ng kanyang asawang si Natalia, ang Lipa City Panciteria (kainan ng pansit), ang kauna-unahang lomi house sa lungsod.
Karaniwan ginagawa ito gamit ang makapal na pansit na gawa sa itlog, repolyo, karot, tinadtad na baboy at atay ng baboy, na nakapaloob sa isang makapal na malasang sabaw.
Sa una ito ay Chinese-Filipino noodle soup, isang simple ngunit nakakabusog na ulam na sa kalaunan tinawag itong Batangas Lomi na naging patok sa panlasang pinoy.