Matagumpay na naihatid ang mga Generator Sets para sa mga Barangay ng lungsod ng Tanauan, Batangas noong ika-29 ng Oktubre 2024.
Ito ay naging posible sa patuloy na pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes at Ccldo Tanauan sa pribadong sektor tulad ng Honda Philippines, Inc.
Ang nasabing aktibidad ay pormal na pinangunahan din nina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. King Collantes, Honda AVP for Business Administration Mr. Juan Jerry Datario, CSR Manager Ms. Cecille San Jose, dating City Administrator Mr. Wilfredo Ablao at dinaluhan rin ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang barangay.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Sonny sa pagpapaabot ng GenSet ng Honda Philippines Inc. na lubos na kinakailangan ng mga kababayan sa panahon ng kalamidad.
Ang naturang donasyon ay bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng kumpanya katuwang ang ating lokal na pamahalaan upang mabigyan ng karagdagang serbisyo ang mga TanaueƱo.
Source: Tanauan CGTV