May kabuuang 301 pasaherong na-stranded sa Pilar Port sa Sorsogon dahil sa Tropical Storm “Kristine” ang nabigyan ng packed dinner meals ng Department of Social Welfare and Development Field Office V – Bicol Region nito lamang Oktubre 22, 2024.

Ang naka-preposition na Family Food Packs ng Departamento, na inimbak ng lokal na pamahalaan ng Pilar, ay niluto at nagsilbing mainit na pagkain para sa mga stranded na pasahero.

Bukod pa rito, nakatanggap din ng Family Food Packs mula sa DSWD ang 63 displaced na pamilya na nananatili sa mga evacuation center sa Barangay Marifosque at Binanuahan, Pilar, Sorsogon.

Source: DSWD Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *