Pangunahing atraksyon ang mga produktong agrikultural mula sa Palawan sa isinagawang Agraryo Trade Fair 2024 na may temang “Kababaihan sa Kanayunan: Kabalikat sa Repormang Agraryo para sa Maunlad at Matatag na Bagong Pilipinas” na ginanap sa Department of Agrarian Reform (DAR) Central Office nito lamang ika-15 hanggang 18 ng Oktubre 2024.
Kabilang sa mga natatanging kalahok ay ang Sandoval-Mendoza Agrarian Reform Beneficiaries ng Palawan, Elvita Farmers Multi-Purpose Cooperative, at Aborlan Rainbow Multi-Purpose Cooperative.
Ipinakita rin sa nasabing okasyon ang mga produkto ng mga agrarian reform beneficiaries’ (ARBs) na nagbigay pugay sa sektor ng agrikultura at mga kooperatiba sa lalawigan.
Ang nasabing okasyon ay nagsilbing pagkakataon para maipakita ng mga ARBO ng Palawan ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado, na nagtataguyod ng paglago at sustainability para sa mga magsasaka ng lalawigan.
Binigyang diin rin dito ang mahalagang papel ng kababaihan sa kanayunan sa kaunlarang agraryo at ang kanilang mga kontribusyon sa pagtatayo ng bansa.
Source: Palawan News