Ang Kaybiang Tunnel ay ang pinakamahabang lagusan ng kalsada sa ilalim ng lupa sa Pilipinas na nag-uugnay sa mga bayan ng Ternate, Cavite at Nasugbu, Batangas.

Ang tunnel ay itinayo noong 2012 upang magbigay ng mas mabilis na ruta para sa mga manlalakbay na patungo sa Tagaytay at Batangas na may 300-meter ang haba at isa sa mga pinakabinibisitang landmark sa Cavite lalo na sa mga siklista at mga motor riders mula ng magbukas sa publiko noong 2013.

Ito ay lagusan ng kalsada na dumadaan sa Mount Palay-palay National Park o mas kilala bilang “Mt. Pico de Loro” na matatagpuan sa kahabaan ng Nasugbu-Ternate Highway.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *