Isa sa mga pinupuntahan  na destinasyon ng turista sa Albay ay ang Lake Danao Natural Park, na nagbibigay sa mga turista upang makapag relax, makapaghinga, at masdan ang ganda ng kalikasan.

Ang mismong site ay isang maliit na lawa na napapalibutan ng malagong halaman, habang ang tubig nito ay tahanan ng mga eel at freshwater fish, kabilang ang (Mistichthys luzonensis) tabyos o sinarapan na tinaguriang pinakamaliit na isda sa mundo.

Matatagpuan ang Danao Lake sa Barangay Danao sa Polangui, Albay.

Ang Danao Lake ay napapaligiran ng Mt. Malinao at Mt. Masaraga at kapag narating mo ito ay magbibigay sayo ng mga nakakamamangha at kaaya-ayang mga tanawin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *