Pormal nang isinagawa ang Groundbreaking Ceremony ng itatayong modern boundary arch na bubungad sa mga mamamayan at turistang papasok sa bayan ng Los Baños noong ika-21 ng Agosto 2024.

Magsisilbi ito bilang karagdagang atraksyon sa Los Baños na inaasahang dadaanan ng ilang mamamayan. Bukod sa modernong disenyo, mayroon itong guard post at water feature signage.
Agad namang sinimulan ang konstruksyon na target matapos sa loob ng tatlong buwan at mapasinayaan bago ang dagsa ng mga bisita ngayong darating na Kapaskuhan.

Sa panayam kay Mayor Anthony “Ton” Genuino, layunin ng bayang ipakita at maipadama sa publiko ang isang bago at mas maunlad na bayan ng Los Baños alinsunod na rin sa kaniyang adhikain na tahakin at maglunsad ng mga programang magbibigay benepisyo sa mga mamamayan.
Source: PIA Laguna