Naisakatuparan ang pagbibigay ng libreng bakuna para sa bivalent Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (bOPV SIA) sa mga bata na may temang “Chikiting Ligtas, Para sa Healthy Pilipinas” na isinagawa sa Barangay Hall, Poblacion Zone 10, Taal, Batangas nitong Mayo 22, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Health Office, kaagapay ang Taal Rural Health Unit (RHU) at Sangguniang Pambarangay ng Poblacion Zone 10 ng Taal, at kaugnay rin sa patuloy na pagsusulong ni Governor DoDo Mandanas ng mga gawaing pangkalusugan sa Lalawigan ng Batangas.
Kayang labanan ng bakunang ito ang mga sakit tulad ng measles, rubella at polio.

Ito ay naglalayong maprotektahan ang mga batang nasa 24 hanggang 59 na buwan laban sa mga nabanggit na sakit.
Hinihikayat ng Department of Health (DOH) na pabakunahan ng bOPV SIA ang mga bata upang mapanatili ang kaligtasan at malusog na pangangatawan.
Source: City Government of Tanauan