Nagsagawa ang Pamahalaan ng Calapan City katuwang ang City Agricultural Services Department ng pamimigay ng 420 bags ng long ping, jacket seed, at inbred seed para sa 190 magsasaka sa Calapan City nitong ika-20 ng Mayo 2024.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ni Mayor Malou Flores Morillo para sa mga miyembro ng Biga Farmers Association. Ang kaganapang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na palakasin ang sektor ng agrikultura sa lungsod.

Samantala, nakiisa naman ang Calapan City Police Station sa pagpapanatili ng katahimikan sa naturang lugar

Ayon kay Mayor Morillo, ang layunin nito ay hindi lamang upang suportahan ang mga magsasaka sa kanilang produksyon kundi pati na rin upang hikayatin ang kooperasyon at pagtutulungan sa pagitan ng iba’t ibang asosasyon ng magsasaka.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at suporta mula sa pamahalaan, mas mapapalago ang agrikultura at mas mapapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Source: Malou Flores Morillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *