Matagumpay na naipamahagi ang Libreng Tool Kits at Equipment para sa 49 TESDA Scholar Graduates ng Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Ccldo Tanauan at si TCWCC President Atty. Cristine Collantes na kumatawan kay Mayor Sonny Perez Collantes.

Ang mga nasabing tool kits at equipment ay mga kagamitan sa Bread and Pastry Production at Electrical Installation and Maintenance dahil ito ang kanilang tinapus na Vocational Courses.
Pamamaraan ito ng lungsod upang makapagsimula ang mga nasabing Tanaueño ng kanilang hanapbuhay o pagkakakitaan gamit ang kanilang nakuhang kaalaman at kagamitan.

Ang aktibidad ay naglalayong makapagbigay ng sapat na kaalaman at kahusayan sa larangan ng mga nasabing vocational courses handog ng TESDA para sa mamamayan ng Tanauan, Batangas.
Source: City Government of Tanauan