Makulay, masaya at makabayang selebrasyon ang ipinagdiriwang ng siyam na araw sa lalawigan ng Calaca, ang Calacatchara Festival na tinaguriang isa sa pinakamatagal na festival sa probinsya ng Batangas.
Tampok sa selebrasyon na ito ang ipinagmamalaki at napakasarap nilang Atchara Calaca na parte na ng kanilang tradisyon at kultura.
Bukod pa riyan, kamangha-mangha rin ang mga naggagandahang kasuotang Pilipino, Saganang Calacazen Agricultural Fair, pagsayaw ng Tinikling at Banga Tribal Dance, ang pagharana ng dalawang “World- Class Guitarists” na sina Jenny and Jeff at Kundiman Singing Contest.
Kasabay ng pagdiriwang ang pagsasabuhay ng mga Calacazen sa magandang pag-uugali tulad ng patriyotismo o pagmamahal sa sariling bayan.
Ang aktibidad ay nagpapakita ng isang maunlad at nagkakaisang Calacazen na tumatangkilik sa mga nakaugaliang tradisyon at kultura ng bayan.
Ito ay naglalayong paigtingin pa ang samahan ng mga mamamayan sa Calaca at mapayabong ang mga produkto mula sa masaganang ani ng nasabing lalawigan.
Source: City of Calaca