Nagsagawa ang pamahalaang panglungsod ng Tanauan ng oryentasyon kaugnay sa isinusulong na gender responsiveness para sa mga miyembro ng Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities o ERPAT.
Ang Orientation Training on Combating Gender Based Violence, Criminalities and Insurgencies through Men’s Involvement kasama ang mga miyembro ng ERPAT Federation of Tanauan ay pinamumunuan ni Mr. Tirso Uruga.
Ang ERPAT ay isang samahan sa Lungsod ng Tanauan na binubuo ng mga tatay na naglalayong palawakin ang kakayahan ng mga ito partikular na sa aktibong partisipasyon ng pagpapaunlad ng kani-kanilang pamilya at komunidad.
Patuloy ang pamahalaang lungsod sa paglikha ng mga programang maghahatid-kaalaman sa mga ama/kalalakihan sa kanilang tungkulin sa pamilya at lipunan.
Source: City Government of Tanauan