Agad na rumesponde ang mga kinauukulan sa naganap na aksidente nitong umaga sa Barangay Tuburan, Ligao City, Albay, na kinasasangkutan ng isang Ford vehicle at police mobile. Ayon sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Bicol, tinatayang nasa 20 indibidwal ang nagtamo ng pinsala.

Sa inisyal na ulat, apat sa mga biktima ang nagtamo ng malalang injury habang 16 naman ang may minor injuries. Agad na dinala sa mga pagamutan ang mga nasugatan para sa agarang lunas, habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng naturang aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *