Tiniyak ng LTFRB Calabarzon na sapat ang mga pampublikong sasakyan (PUVs) upang tugunan ang kasalukuyang dami ng pasahero ngayong Semana Santa.
Ayon kay Regional Director Rudolph Dimas, nananatiling “light to moderate” ang passenger volume kaya’t kaya pang pagsilbihan ng mga umiiral na PUV ang mga commuter. Gayunman, inaasahan ang pagdami ng biyahero mula Miyerkules ng gabi hanggang Huwebes.
Nakahanda ang LTFRB na magdagdag ng mga sasakyan at mag-isyu ng special permits kung kakailanganin upang matiyak ang tuloy-tuloy at maayos na biyahe.
Pinapayuhan ang publiko na magplano nang maaga at sumubaybay sa mga anunsyo ng mga awtoridad.
Source: PIA CALABARZON