Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na may sapat na pondong nakalaan ang pamahalaan upang matulungan ang mga mamamayang maaapektuhan ng krisis dulot ng patuloy na sigalot sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Gatchalian, nakahanda ang DSWD na magbigay ng kinakailangang tulong at suporta sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang mga pamilya sakaling maapektuhan sila ng sitwasyon sa rehiyon.

Dagdag pa ng kalihim, nakikipag-ugnayan ang DSWD sa iba pang ahensya ng pamahalaan upang matiyak na maibibigay agad ang angkop na tulong, kabilang ang financial assistance at iba pang serbisyong panlipunan sa mga nangangailangan.

Pinayuhan din ng DSWD ang publiko na manatiling kalmado at makinig lamang sa mga opisyal na anunsyo mula sa pamahalaan kaugnay ng mga hakbang na ginagawa upang matulungan ang mga Pilipinong apektado ng krisis sa Gitnang Silangan.

Patuloy namang minomonitor ng ahensya ang sitwasyon upang agad na makapagbigay ng kinakailangang tulong sa mga kababayang nangangailangan.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *