LUNGSOD NG SANTA CRUZ, Laguna — Pormal na naglagda ng Sisterhood Agreement ang Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna at ang Lungsod ng San Juan noong Marso 10, 2026 sa Capitol Compound at sa Tanggapan ng Gobernador.

Pinangunahan ni Laguna Governor Sol Aragones ang pagtanggap sa delegasyon mula sa San Juan City na pinamunuan ni Mayor Francis Zamora. Kasama sa delegasyon ang mga City Councilor na sina Ervic Vijandre, James Yap, at Don Allado, gayundin ang dating City Councilor na si Paul Artadi.

Layunin ng kasunduan na palakasin ang ugnayan ng dalawang lokal na pamahalaan sa mga larangan ng turismo, kalakalan, at palitan ng kultura, bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na isulong ang mas malawak na kooperasyon at pag-unlad para sa kanilang mga komunidad.

Samantala, isang engrandeng pagtanggap ang inihanda sa Laguna Sports Complex para sa delegasyon ng San Juan City, kung saan libo-libong Lagunense ang dumalo upang ipakita ang mainit na pagtanggap at suporta sa bagong ugnayan ng dalawang lungsod.

Ang paglagda ng Sisterhood Agreement ay inaasahang magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa pagtutulungan ng Laguna at San Juan City sa mga programang magpapalakas sa turismo, negosyo, at kultura ng dalawang lugar.

Source: Calabarzon Today

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *