Tinanggihan ng Sandiganbayan Sixth Division ang petisyon para sa piyansa ng siyam na opisyal ng DPWH-Mimaropa na sangkot sa umano’y iregularidad sa P289.5-milyong road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ayon sa korte, malakas ang ebidensya laban kina Gerald Pacanan, Gene Altea, Ruben Delos Santos Jr., Dominic Serrano, Lerma Cayco, Felisardo Casuno, Dennis Abagon, Juliet Calvo at Montrexis Tamayo kaya hindi sila pinayagang magpiyansa.
Batay sa resolusyon, may papel umano ang mga opisyal sa pag-apruba at pagproseso ng mga dokumento at disbursement na nagresulta sa paglabas ng pondo sa kontraktor na Sunwest Inc., kahit hindi umano natapos ang proyekto ayon sa itinakdang pamantayan.
Nilinaw ng Sandiganbayan na ang desisyon ay batay lamang sa bigat ng ebidensya para sa piyansa at hindi pa pinal na hatol sa kanilang pagkakasala.
Source: ABS-CBN NEWS