Agad na namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng family food packs sa 34 pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon at kasalukuyang pansamantalang nanunuluyan sa South 1 Elementary School Evacuation Center.

Ang mabilis na pagtugon ng Kagawaran ay bahagi ng patuloy nitong disaster response operations upang matiyak na natutugunan ang agarang pangangailangan ng mga apektadong pamilya, partikular sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.

Tiniyak ng DSWD na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng tulong alinsunod sa direktiba ni Ferdinand R. Marcos Jr. na agarang maghatid ng ayuda at suporta sa mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno upang masiguro ang maayos, mabilis, at organisadong pamamahagi ng tulong sa mga evacuee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *