Pinapalakas ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang digital literacy sa Palawan sa pamamagitan ng halos 90 libreng training sessions na isinagawa noong 2025 sa iba’t ibang barangay at munisipalidad, kabilang ang Puerto Princesa City.
Ayon sa ahensya, layunin ng mga pagsasanay na mapahusay ang kaalaman at kasanayan ng mga estudyante, manggagawa, at kawani ng pamahalaan. Nagbibigay din ang DICT ng ICT diagnostic at user certification exams, kabilang ang para sa mga tauhan ng Department of Education.
Noong Agosto 2025, binuksan din ang Digital Transformation Center sa Puerto Princesa City na nag-aalok ng libreng desktop access, printing, meeting space, at e-government assistance. Kinilala ang pasilidad bilang isa sa mga top-performing centers sa bansa.
Source: PIA Palawan