Matagumpay na isinagawa ng Rizal Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Feloteo A Gonzalgo, Provincial Director ang Presentation of Surrenderees at Hand-Over of Firearms ng mga former rebel nitong Disyembre 22, 2025 sa Rizal PPO Conference Room, Camp MGen Licerio I Geronimo, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal.

Bahagi ang naturang aktibidad sa programa ng pamahalaan alinsunod sa Executive Order No. 70 o Whole-of-Nation Approach para sa layuning tuldukan na ang Local Communist Armed Conflict.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Rizal PPO at iba pang ahensya ng pamahalaan (AFP, DILG,DSWD), kung saan pormal na iniharap ang mga indibidwal na kusang-loob na sumuko at nagsauli ng kani-kanilang mga armas bilang pagpapakita ng kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan at pagsuporta sa adhikain ng kapayapaan.

Bilang pagpapakita ng malasakit at suporta, nagkaloob ang Rizal PPO, Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga blessing at gift packs sa mga surrenderees. Ang tulong na ito ay bahagi ng programa ng pamahalaan upang matulungan silang makapagsimulang muli ng maayos at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang mga pamilya.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad na ito ay patunay ng epektibong koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan at ng patuloy na pagsusumikap ng Rizal PPO sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *