Tatlong suspek sa droga ang napatay habang isang pulis at isang informant ang nasugatan sa buy-bust operation ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) sa isang gasolinahan sa Brgy. Socorro, Quezon City noong Martes, Nob. 18.
Ayon kay Lt. Marlon Sy, tagapagsalita ng PDEG, nakumpiska ang shabu na nagkakahalaga ng P68 milyon, tatlong baril, P1,000 buy-bust money, dalawang cellphone, isang puting sako, at isang brown na kahon. Isa pang suspek ang nakatakas.
Sinabi ni Sy na sinubukan ng mga suspek na lokohin ang poseur buyer, kaya nauwi sa engkwentro.
Iginiit ni PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño na pinananatiling bloodless hangga’t maaari ang kanilang anti-narcotics operations, ngunit hindi pinapalagay na malalagay sa panganib ang buhay ng mga operatibo.
Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1263556