Isang makasaysayang araw para sa Lungsod ng Tanauan ang ginanap na inagurasyon ng Murata Building C sa loob ng First Philippine Industrial Park (FPIP) nito lamang ika-22 Oktubre, 2025.

Ang bagong gusali ay simbolo ng patuloy na pag-unlad ng industriya at ng matatag na ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng pribadong sektor.

Pinangunahan nina Mayor Sonny Perez Collantes at Vice Mayor Dodong Panganiban Ablao ang seremonya, bilang patunay ng kanilang walang sawang suporta sa mga mamumuhunan at sa paglikha ng mas maraming oportunidad para sa mga Tanaueño.

Sa paglawak ng operasyon ng Philippine Manufacturing Co. of Murata, mas maraming trabaho at kabuhayan ang bubukas para sa ating mga kababayan.

Tunay na sa bawat bagong gusaling itinatayo, may bagong pag-asang umuusbong para sa mga mamamayan.

Source: Tanauan CGTV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *