Sa gitna ng trahedyang dulot ng sunog sa Barangay Sto. Tomas, Biñan City, muling pinatunayan ng GOByernong may SOLusyon na sa panahon ng pagsubok, may gobyernong handang umakay.
Agad na rumesponde ang Akay ni Gob Action Center, sa pangunguna ni Head Marlon Vendivel, upang maihatid ang tulong at relief goods sa 26 na pamilyang nawalan ng tirahan nito lamang ika-22 ng Oktubre, 2025.

Sa kabila ng pinsala, dama ng mga residente ang malasakit ng Pamahalaan na agad nagpahayag ng suporta at pag-asa para sa mga apektado.
Sa kabila ng abo at luha, nananatiling buhay ang diwa ng pagkakaisa at malasakit sa Biñan at sa tulong ng pamahalaan at ng bawat mamamayan, muling babangon ang Barangay Sto. Tomas nang mas matatag, mas nagkakaisa, at mas inspiradong harapin ang bagong bukas.
Source: Laguna PIO