Tumanggap ang Kitang Nabangig Fisherfolk Association (KitNaFiA) ng 33 unit ng marine engines na nagkakahalaga ng Php722,700 nito lamang Oktubre 14, 2025 sa ilalim ng Multiple Hooks and Line Project—isang programa na layuning mapataas ang produksyon sa pangingisda at maisulong ang makakalikasang pamamaraan ng panghuhuli ng isda.

Ginanap ang turnover ceremony sa Community Fish Landing Center (CFLC) sa Barangay Nipa ng nasabing lungsod, na dinaluhan ng ilang miyembro ng asosasyon.

Samantala, ang iba ay patuloy na nagsagawa ng mga gawaing pangkabuhayan tulad ng pagkukumpuni ng kagamitan at pangingisda sa laot, bilang bahagi ng kanilang pang-araw-araw na operasyon.

Nagpahayag ng pasasalamat ang asosasyon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Office No. 5 (BFAR RO5) at sa BFAR Provincial Fisheries Office – Masbate sa patuloy na tulong at suporta sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mangingisda.

Umaasa ang KitNaFiA na sa pamamagitan ng nasabing interbensyon, mas mapabubuti ang kanilang huli at higit na mapauunlad ang kabuhayan ng kanilang mga kasapi.

Dumalo rin sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Municipal Agriculture Office at BFAR-SAAD Team ng Masbate bilang suporta sa pagpapatupad ng proyekto.

Source: BFAR Bikol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *