Noong Oktubre 13, 2025, namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Rehiyon ng Bicol ng humigit-kumulang PHP 19.3 milyong halaga ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa mga bayan ng Cataingan, Palanas, at Dimasalang sa lalawigan ng Masbate.
Sa pakikipagtulungan sa mga Local Government Units (LGUs), sinimulan ng DSWD ang pamamahagi ng tulong-pinansyal sa kabuuang 1,889 na benepisyaryo na nawalan ng tirahan bunsod ng pananalasa ng Bagyong #OpongPH.
Kabilang sa mga nakatanggap ay ang Cataingan na may 1,073 benepisyaryo; Palanas na may 382 benepisyaryo at Dimasalang na may 434 benepisyaryo.
Hindi lamang ito simpleng ayuda; ang ECT ay bahagi ng inisyatibo ni Secretary Rex Gatchalian upang matulungan ang mga pamilyang makabangon mula sa pinsala ng kalamidad.
Ito rin ay tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa agarang paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan.
Patuloy namang mino-monitor ni Regional Director Norman S. Laurio ang buong operasyon upang matiyak ang mabilis at epektibong pag-abot ng tulong sa mga nasalanta.
Source: DSWD Field Office V