Dalawampu’t limang (25) mangingisda mula sa Samahan ng mga Maliliit na Mangingisda ng San Jose sa Jose Panganiban, Camarines Norte ang sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay sa makabagong pamamaraan ng fish processing at financial literacy nito lamang Oktubre 13, 2025.

Pinangunahan ito ng BFAR5–Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Division (RFTFCD), katuwang ang Provincial Fisheries Office at Lokal na Pamahalaan ng Jose Panganiban, bilang bahagi ng patuloy na programa para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mangingisda.

Sa naturang pagsasanay, natutunan ng mga kalahok ang paggawa ng mga produktong gaya ng fish siomai, nuggets, turon, at tocino sa tulong ng mga tagapagsanay mula sa RFTFCD.

Isinagawa rin ang social preparation na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at epektibong komunikasyon sa loob ng samahan.

Bilang dagdag na tulong, namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng mga pangunahing kagamitan sa fish processing upang magamit ng mga mangingisda sa pagsisimula ng kanilang sariling kabuhayan—isang konkretong hakbang tungo sa mas maunlad at matatag na sektor ng pangisdaan sa kanilang komunidad.

Source: BFAR Bikol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *