Matagumpay na naipamahagi ang mga Wheelchairs, Nebulizers, at Hearing Aids para sa mga Lagumense nito lamang ika-6 ng Oktubre, 2025 na ginanap sa Laguna Cultural Center.

Sa pangunguna ni Governor Sol Aragones, katuwang ang iba’t ibang opisyal ng lalawigan, muling ipinamalas ng Akay ni Sol ang tunay na diwa ng malasakit at serbisyo.

Layunin ng programa na magbigay ng ginhawa, kalayaan, at pag-asa sa mga Lagunense sa pamamagitan ng konkretong tulong na direktang bumabago sa kanilang buhay.

Ang mga ngiti sa mukha ng mga benepisyaryo ay patunay na ang simpleng tulong ay maaaring magbunga ng malaking pagbabago

Source: Laguna PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *