Sa kabila ng matinding init at naglalagablab na araw, nagsilbing inspirasyon ang dedikasyon ng mga volunteers sa masigasig na pag-aayos at paglo-load ng mga Non-Food Items (NFIs) para sa mga lokal na pamahalaan ng Mobo, Cataingan, Masbate City, Palanas, Dimasalang, at Milagros sa Masbate ngayong Linggo, Oktubre 5, 2025.

Umabot sa 2,200 na NFIs ang naipon, kabilang ang 200 Water Filtration Kits, 200 Hygiene Kits, 200 Family Kits, 200 Kitchen Kits, 200 Malong, 200 Mosquito Nets, at 1,000 Jerry Cans — mga mahahalagang kagamitan na makatutulong nang malaki sa mga pamilyang naapektuhan.

Ang mga ito ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Rehiyon ng Bicol, at ang pamamahagi ay isinagawa ng mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Bureau of Fire Protection (BFP) na nagpakita rin ng kanilang dedikasyon sa paglilingkod.

Bilang tugon sa mga direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang DSWD Bicol sa pangunguna ni Regional Director Norman Laurio ay agarang kumikilos upang matulungan ang mabilis na pagbangon ng mga pamilyang nasalanta ng Bagyong OpongPH.

Patuloy naman ang panawagan ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr. para sa maagap at mabisang hakbang upang matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipinong apektado ng mga kalamidad.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *