Patuloy ang pamamahagi ng ayuda ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga barangay ng Pinamalayan na matinding naapektuhan ng bagyong Opong ngayong umaga, Oktubre 6, 2025.

Sa Barangay Pili, umabot sa 389 pamilya ang nabigyan ng relief goods. Ang nasabing ayuda ay bahagi ng mabilis na pagtugon ng pamahalaan upang matulungan ang mga pamilyang nasalanta ng kalamidad. Kabilang sa mga ipinamigay ay pagkain, tubig, at mga pangunahing pangangailangan para sa araw-araw.

Bukod sa relief goods, namahagi rin ng gamot at bitamina ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO), bilang dagdag na suporta sa kalusugan ng mga residente sa gitna ng krisis.
Nagpaabot ng pasasalamat ang mga residente sa agarang pagtugon ng lokal at panlalawigang pamahalaan. Samantala, nagpapatuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong sa iba pang barangay na matinding naapektuhan ng bagyo.
Source: Provincial Information Office – Oriental Mindoro