Isang makabuluhang karanasan ang handog ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan para sa mga munting mag-aaral mula sa iba’t ibang Child Development Centers sa pamamagitan ng programang Lakbay-Aral.
Sa pangunguna nina Mayor Sonny Collantes, Vice Mayor Dodong Ablao, at TCWCC President Atty. Cristine Collantes, naisagawa ang nasabing programa nito lamang ika-3 ng Oktubre, 2025.

Layunin ng programang ito na palawakin ang kaalaman ng mga bata sa pamamagitan ng aktwal na paglalakbay at pagkatuto.
Sa pamamagitan ng programang ito naranasan ng mga bata ang masayang pagtuklas ng kultura, kalikasan, at komunidad.

Hindi lamang ito isang simpleng paglalakbay, kundi isang hakbang tungo sa mas malalim na pag-unawa sa mundo at sa kanilang papel bilang kabataang mamamayan.
Source: Tanauan CGTV