Sa kabila ng hagupit ng kalikasan, nananatiling matatag at may pag-asa ang mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Opong.

Kitang-kita ang kanilang “ngiti ng pasasalamat” habang tinatanggap ang tulong mula sa karagdagang 500 Family Food Packs (FFPs) na ipinaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V-Bicol Region nito lamang Oktubre 1, 2025.

Ang pamamahaging ito ay bahagi ng tuluy-tuloy na relief alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na agad tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa panahon ng sakuna.

Tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na walang maiiwang komunidad sa pagbibigay ng agarang tulong sa gitna ng matinding pagsubok.

Sa pamumuno ni DSWD Bicol Regional Director Norman Laurio, patuloy na naka-alerto ang buong DSWD Bicol upang mabilis at epektibong makapaghatid ng serbisyo sa mga apektadong Bicolano.

Source: DSWD Field Office V

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *