Matagumpay na isinagawa ang “Check It, Beat It!” Breast Cancer Awareness and Screening Program nito lamang ika-2 ng Oktubre, 2025 sa Quezon Convention Center, Lucena City, sa pangunguna ng Batangas Medical Center – Cancer Care Center at Quezon Provincial Health Office.

Nagbahagi ng kaalaman ang mga espesyalista tungkol sa cancer, kabilang ang early detection at self-breast examination.

Isinagawa rin ang libreng breast cancer screening sa tulong ng Philippine Society of Medical Oncology at BATMC Surgery Department.

Dumalo ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya at sektor, na nagpapatunay ng pagkakaisang layunin, mas maraming buhay ang mailigtas sa pamamagitan ng kaalaman at maagang aksyon.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *