Sa layuning mapalakas ang kaalaman at kamalayan ng mga frontliners tungkol sa mental health at HIV sa kanilang lugar ng trabaho, isinagawa ng Municipal Health Office (MHO) ng El Nido, sa pangunguna ni Dr. Jo-Ann P. Huerto, ang isang espesyal na sesyon para sa mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng bayan nito lamang Setyembre 30, 2025.

Ginanap sa Jurias Garden Restaurant, tinalakay sa aktibidad ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan ng isip at emosyon ng mga manggagawa, lalo na ng mga tumutugon sa iba’t ibang uri ng sakuna at krisis. Kasama rin sa diskusyon ang tamang kaalaman ukol sa HIV prevention, stigma reduction, at kung paano ito dapat tugunan sa loob ng workplace.
Binibigyang-diin ng sesyon ang kahalagahan ng holistic wellness—hindi lamang pisikal na kalusugan ang mahalaga, kundi maging ang mental at emosyonal na katatagan ng bawat frontliner. Sa pamamagitan nito, mas napapalakas ang kanilang kakayahan sa pagbibigay ng mahusay at makataong serbisyo sa komunidad.
Lubos ang pasasalamat ng MHO El Nido sa aktibong pakikilahok ng mga MDRRMO personnel. Ang kanilang dedikasyon ay patunay ng isang progresibo at responsableng pamahalaang lokal na inuuna ang kapakanan at kapangkalusugang pangkaisipan ng kanilang mga empleyado.
Source: Municipal Health Office- El Nido, Palawan