Bilang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang Bagyong Opong, dinala ng Department of Agriculture Bicol ang P20 bigas sa Masbate kahapon, September 30, 2025.

Ang inisyatibang P20 kada kilo ng bigas, na kilala rin bilang “Benteng Bigas Meron Na!” (BBM Na!), ay inilunsad upang maibsan ang pasaning pinansyal ng mga pamilyang kapos sa kita at upang matiyak ang seguridad sa pagkain sa buong bansa.

Nilalayon ng programa na magbigay ng subsidiadong bigas sa mga kwalipikadong benepisyaryo gaya ng mga mahihirap, nakatatanda, mga taong may kapansanan, at mga solo parent.

Bukod sa P20 rice program, nagpatupad din ang Department of Agriculture ang price freeze sa bigas, karne, manok, itlog, isda, cooking oil, sibuyas, at bawang, matapos maisailalim ang probinsya sa state of calamity.

Maaaring makabili ng P20/kilo bigas ang lahat ng residente ng Masbate, kasama ang senior citizens, solo parents, PWDs, 4Ps beneficiaries, mga magsasaka at mangingisda, transport workers, at minimum wage earners.

Source: Department of Agriculture Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *